MULTIMEDIA
Patrol ng Pilipino: Pampasuwerte sa UPCAT
ABS-CBN News
Posted at Jun 06 2023 06:32 PM
MAYNILA — Hindi lang pagre-review ang naging paghahanda ng ilan sa mahigit 104,000 estudyanteng kumuha ng University of the Philippines College Admission Test (UPCAT) sa pagbabalik nito ngayong taon.
Para sa kanila, makadadagdag sa tiyansa nilang makapasa sa entrance exam ang ilang pampaswerte gaya ng paglalagay ng piso sa sapatos, pagpapatasa ng lapis sa taga-UP, at iba pa.
Naniniwala rin ang ilan na kapag sinasabi at inaangkiin nila na papasasa sila, magkakatotoo ito.
Balak ng UP Admissions Office na ilabas ang resulta ng UPCAT sa Mayo 2024.
Iaanunsyo siya sa website nito: https://upcat2024.up.edu.ph.
Ulat ni Andrea Taguines, Patrol ng Pilipino