MULTIMEDIA
Patrol ng Pilipino: Reuse & refill system kontra plastic waste
ABS-CBN News
Posted at Jun 02 2023 03:19 PM
MAYNILA — Paano mababawasan ang basurang plastic sa Pilipinas?
Sa San Juan City, may “Reuse and Refill System” na nag-eengganyo sa mga residente na iwasan na ang paggamit ng mga plastic sachet sa kanilang araw-araw na pamimili.
Magdadala sila ng lalagyan sa tindahan para lagyan ng dishwashing liquid, liquid detergent at iba pa.
Bonus pa na mas makatitipid din sila.
Tinawag ng World Bank ang Pilipinas na isang sachet economy dahil lagpas kalahati o 52 percent ng 3 milyong toneladang plastic na natatapon taon-taon ay mga sachet.
—Ulat ni Michael Delizo, Patrol ng Pilipino