PatrolPH

Walang countdown: Mga namamasyal sa Luneta naninibago sa 'pandemic New Year'

ABS-CBN News

Posted at Dec 31 2020 07:57 PM

Watch more on iWantTFC

Hindi gaya ng dati, mas kaunti ang mga bumisita sa mga tanyag na pasyalan sa bisperas ng Bagong Taon. 

Limitadong oras lang na bukas ang Rizal Park na kadalasang pasyalan tuwing bisperas ng Bagong Taon. 

Dahil dito, nanibago ang magkapatid na Kiszia Grace at Emerose Olvido. 

Dahil din sa health protocols, hindi nila maisama ang mga nakababatang pinsan at mga magulang na senior citizen. 

Nabitin naman ang magkapatid na Jerlyn at Jemina Sausa dahil bawal nang tumambay at mag-picnic. Unang pagkakataon nilang pumunta sa Luneta. 

"Gusto sana naming mag-spend ng New Year dito kaso nga lang hindi siya kasama sa countdown," ani Jerlyn, na galing pa ng Negros Occidental. 

Dahil sa mahinang kita, ang mga photographer gaya ni Rotero Ibañez, nagbebenta ng tubig sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa ordinaryong araw. Wala ring countdown ngayong taon. 

— Ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.