Paano nakatutulong ang egg white sa mga na-firecracker poisoning?

ABS-CBN News

Posted at Dec 31 2019 02:50 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Habang patuloy ang pagpapaputok ng mga tao ngayong bisperas ng Bagong Taon, nagpaalala ang isang emergency medicine specialist ukol sa mga dapat gawin sakaling makalulon ng mga lason mula sa mga paputok.

Isa sa mga bagay na maaaring makatulong sa mga na-firecracker poisoning ay ang egg white o iyong puti ng itlog, ayon kay Dr. Ted Esguerra.

"'Yong egg white, it's protein na kapag nasa loob ng tiyan mo, it absorbs everything," ani Esguerra sa panayam ng "Good Vibes" sa DZMM.

Para sa mga batang nakalulon ng mga lason ng paputok, ipinapayo ang pagkonsumo ng 6 hanggang 8 egg white.

Pero nilinaw ni Esguerra na "buying time" lamang ang egg white o para maantala ang iba pang pinsalang maaaring maidulot ng mga lason sa katawan.

Mainam pa rin umanong isugod sa ospital ang isang taong na-firecracking poisoning.

Sa ospital, sasailalim sa prosesong gastric lavage ang na-firecracking poisoning, kung saan mistulang ipa-pump palabas ng katawan ang mga lason.

Ayon kay Esguerra, hindi rin dapat pinipilit na masuka ang isang taong nakalulon ng mga lason mula sa paputok. Sa halip, hayaan umano siyang masuka nang kusa.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.