PatrolPH

TINGNAN: Nakamamanghang cloud formation sa Sorsogon City

ABS-CBN News

Posted at Dec 30 2020 03:11 PM

Isang nakamamanghang cloud formation ang nakunan sa Coastal Road ng Sorsogon City, alas-6:11 ng gabi nitong Martes.

Kuha ang mga larawan ng isa sa mga kilalang photographer sa Bicol na si Michael Fugnit, 33 anyos, mula Sta. Magdalena, Sorsogon.

TINGNAN: Nakamamanghang cloud formation sa Sorsogon City 1
TINGNAN: Nakamamanghang cloud formation sa Sorsogon City 2
TINGNAN: Nakamamanghang cloud formation sa Sorsogon City 3
TINGNAN: Nakamamanghang cloud formation sa Sorsogon City 4

Ayon kay PAGASA Legazpi Weather Forecaster Lilian Guillermo, Altocumulus ang tawag sa cloud formation. Photo courtesy: Michael Fugnit<

Ayon kay PAGASA Legazpi Weather Forecaster Lilian Guillermo, Altocumulus ang tawag sa cloud formation. Photo courtesy: Michael Fugnit<

Ayon kay PAGASA Legazpi Weather Forecaster Lilian Guillermo, Altocumulus ang tawag sa cloud formation. Photo courtesy: Michael Fugnit<

Ayon kay PAGASA Legazpi Weather Forecaster Lilian Guillermo, Altocumulus ang tawag sa cloud formation. Photo courtesy: Michael Fugnit<

Kuwento ni Fugnit, bandang alas-4 pa lang ng hapon, nasa Coastal Road na siya at inaabangan ang paglubog ng araw. 

"Nag-iisip kasi talaga ako ng yearend photoshoot ng sunset. So Nakatiyempo naman ako ng napakaganda. Mahilig talaga ako mag-picture ng sunset at sunrise. Dun talaga sa coastal road ang favorite kong location. So hindi ko ini-expect na may ganung kagandang event ng clouds," ani Fugnit. 

"Naisipan kong kunan dahil bihira lang siya magpakita. Parang seasonal. Ibig sabihin, napakaswerte mo kung isa ka sa maka-picture ng ganun. Siyempre, as a photographer, yung ganung kagandang formation ng clouds, hindi mo dapat pinapalagpas kasi moment yun. Talagang manghihinayang ka 'pag di mo na-picturan yun."

In-enhance ni Fugnit nang kaunti ang mga kuha niyang mga larawan.

"Diniliman ko nang kaunti para makuha talaga yung details ng clouds, para lumiwanag din yung kalsada, yung coastal road na makita yung mga sasakyan. Pero yung clouds, kung ano itsura niya, ganun pa rin talaga." 

Hanggang 6:25 ng gabi nakita ang nakamamanghang cloud formation na kita hindi lang sa kalakhan ng Sorsogon kundi maging sa ibang bahagi ng Albay. 

Ayon kay PAGASA Legazpi Weather Forecaster Lilian Guillermo, Altocumulus ang tawag sa cloud formation na nabubuo kapag nagkaroon ng convection ng air mass at kapag unstable ang hangin sa upper layer ng atmosphere.

Refraction o epekto naman ng liwanag ng paglubog ng araw ang mga namuong kulay sa ulap.

Indikasyon din ang altocumulus clouds ng pag-uulan sa mga susunod na oras o araw kung saan ito nakita.

-- Ulat ni Karren Canon

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.