Nanay ibinili ng bottled water ang kalahati ng sahod para sa Ursula survivors

ABS-CBN News

Posted at Dec 30 2019 08:25 PM | Updated as of Dec 30 2019 10:49 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa gitna ng mga pagsubok at kalamidad, lumalabas ang diwa ng bayanihan at pagmamalasakit sa kapuwa.

Isa sa mga halimbawa nito ang nanay na si Analyn Verona, na galing pa ng Tolosa, Leyte at namasahe para makapag-donate sa ABS-CBN Tacloban.

Kalahati ng kaniyang buwanang kita ang ipinambili niya ng mga bottled water bilang tulong sa mga nasalanta ng bagyong Ursula. 

Nasa P600 ang buwanang allowance ni Verona bilang volunteer sa barangay at ume-extra siya sa pagtitinda ng sitsirya.

"Sa experience ko sa [bagyong] Yolanda, nangailangan kami ng tulong pagkatapos ng bagyo, so parang nafi-feel ko rin 'yong pangangailangan nila," ani Verona.

Ang ibinahaging tulong ni Verona at iba pang mga nagmamalasakit sa mga nasalanta ng Ursula ang inihatid ng ABS-CBN sa mga biktima ng bagyo.

Daan-daang pamilya mula sa Salcedo, Eastern Samar, kung saan unang nag-landfall ang bagyo, ang nakatanggap ng food packs na may lamang bigas at mga de-lata.

Patuloy ang pag-iikot ng ABS-CBN sa Mindoro, Aklan, Antique at iba pang lugar para magpaabot ng tulong. -- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.