Isa sa mga paboritong handa tuwing Media Noche ang suman, isang uri ng malagkit na pinaniniwalaang nagpapatatag sa samahan ng pamilya.
Gayunman nagbabala ang isang eksperto sa labis na pagkain ng suman na aniya'y nagdudulot ng mga lifestyle disease gaya ng diyabetes at obesity o sobrang taba.
Ayon sa nutritionist-dietitian na si Sharmaine Esteban, 2 hanggang 3 piraso ng suman lang ang dapat kinakain sa isang araw.
"Kapag sumobra tayo sa serving size na recommended for that day, maaari po na mag-develop iyong lifestyle diseases," ani Esteban sa programang "Salamat Dok."
Kung nutrisyon ang usapin, mayaman ang suman at iba pang pagkaing malagkit sa carbohydrates na nagbibigay ng enerhiya sa katawan.
Siksik din ang mga malagkit sa protina, B vitamins, selenium, zinc, copper, at magnesium.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, kalusugan, suman, diabetes, obesity, blood sugar, nutrition, Salamat Dok