PatrolPH

#SandokPeraChallenge nauwi sa wedding proposal sa Cavite

ABS-CBN News

Posted at Dec 29 2021 07:38 AM

Watch more News on iWantTFC

Patok ngayon ang #SandokPeraChallenge na palaro sa mga Christmas party.

Dito nakapiring na kukunin ng manlalaro ang pera gamit lamang ang sandok. 

Pero kakaiba ang ginawang sandok-pera ng 26 anyos na si Roldan Rivera mula bayan ng Tanza, Cavite.

Ilang linggong pinagplanuhan ng binata ang proposal, hanggang sa maisip niyang gamitin ang parlor game para makapag-propose sa kaniyang girlfriend na si Rachelle Ann Rosales noong bisperas ng Pasko.

Matapos makapagsalok ng pera at aktong aalisin na ang piring sa mata, dito na pumwesto ang binata, lumuhod at sabay alay ng singsing.

Nang mai-upload sa social media, dinagsa ng napakaraming mga kilig comments ang proposal.

Sa Pebrero o Marso 2022 plano ng 2 gawin ang kasal matapos ang 5 taon nilang relasyon.

Ilang linggong pinagplanuhan ni Roldan Rivera ang proposal, hanggang sa maisip niyang gamitin ang parlor game para makapag-propose kay Rachelle Ann Rosales bisperas ng Pasko. Kristine Rosales Abbaspour
Ilang linggong pinagplanuhan ni Roldan Rivera ang proposal, hanggang sa maisip niyang gamitin ang parlor game para makapag-propose kay Rachelle Ann Rosales bisperas ng Pasko. Kristine Rosales Abbaspour
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.