PatrolPH

Gift packs handog ng Teleradyo sa mga tsuper na umaaray sa pandemya

ABS-CBN News

Posted at Dec 27 2020 03:32 AM

Gift packs handog ng Teleradyo sa mga tsuper na umaaray sa pandemya 1
Namahagi ng gift packs ang Teleradyo katuwang ang programang 'Usapang Kalye' at mga sponsor, bilang pag-agapay sa mga tsuper. ABS-CBN News

MAYNILA - Ramdam ng pamilya ni Roy Roldan, isang jeepney driver, ang epekto ng coronavirus disease (COVID-19) lalo na ngayong Pasko na walang pang-Noche Buena. 

Isa si Roldan sa mga driver na nawalan ng kabuhayan at nakapuwesto sa kalsada ng Balintawak, Quezon City para mamalimos. 

Naluha na lang siya nang maalala ang mga panahong walang makain ang kaniyang pamilya. 

Hindi na rin nakapag-aral ang 3 anak dahil sa hirap ng buhay dala ng pandemya.

Watch more on iWantTFC

“Napakahirap po. Naluluha nga ako kapag nakikita ko sila. Hindi ko kayang ganoon ‘yung mga anak ko,” ani Roldan. 

Kapos din sa budget ang isa pang tsuper na si Romeo Labador. 

“Sana mawala na yung COVID yung magnormal na para ma-okay na yung kabuhayan natin para hindi na hihingi dito nakakahiya na nga, ginawan ko na lang paraan para mabuhay pamilya ko,” ani Labador. 

Pati ang mga tricycle driver, hindi rin makapagdiwang ng masaganang Pasko.

“‘Yung kinikita, kulang pa,” ani Libiran. 

Namahagi ng gift packs ang Teleradyo katuwang ang programang “Usapang Kalye” at mga sponsor, bilang pag-agapay sa mga tsuper. 

“Maraming salamat sa ABS-CBN sa tulong na ‘to. Sana makabalik na kayo sa ere ulit,” ani Libiran. 

— Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.