PatrolPH

Mananahing COVID-19 survivor, lubos ang pasasalamat sa tulong para sa kanyang diabetes treatment

ABS-CBN News

Posted at Dec 25 2020 02:06 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA — Lubos ang pasasalamat ng isang COVID-19 survivor sa Maynila sa patuloy na pagbuhos ng tulong para naman ngayon sa kanyang diabetes treatment.

Kwento ni Glamor Bato, isang mananahi, hindi naging madali para sa kanilng pamilya ang pagkakaroon niya at ng tatlo niya pang anak ng naturang virus.

Aniya, bago pa siya matulungan ng mga awtoridad ay 4 na beses pa siyang palipat-lipat ng ospital hanggang sa nalaman na siya ay positibo sa virus.

“Ako’y naiyak talaga kasi nung ako’y nakalabas na ng hospital, galing ng PGH, halos hindi na po ako nakapag-insulin. Halos wala na po akong pambili ng gamot kasi hindi po kami nakakalabas at wala po kaming kita,” kwento ni Bato sa ABS-CBN Teleradyo nitong Biyernes.

Ayon sa ina, maraming aral na ibinigay ang pandemya at napagtantong iba talaga ang diwa ng pagtutulungan ng komunidad.

“Kapit lang. Nagbago po ang buhay namin kasi kaming mag-anak, ‘yung mga anak ko’t asawa ko, hindi po nagpabaya sa bawat isa, talagang nandoon po ‘yung cooperation po naming mag-anak,” aniya.

“Dati magkalagnat ka, kayo-kayo lang pero ngayon magkalagnat ka halos buong barangay tutulungan ka nila.”

Sa darating na Lunes ay maaari nang pumunta si Bato sa lokal na pamahalaan ng Maynila para maiproseso na ang diabetes treatment niya, ayon kay Ma. Asuncion Fugoso officer-in-charge Manila department of social welfare.

ABS-CBN TeleRadyo December 25, 2020

MULA SA ARCHIVES:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.