Mga resort sa Pagudpud dinarayo ngayong Pasko

ABS-CBN News

Posted at Dec 25 2019 06:03 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Mala-summer ang naging datingan sa mga beach resort sa Pagudpud, Ilocos Norte ngayong Pasko sa pagdagsa ng mga turista. 

Ang ilan, gaya ng pamilya Casiano inagahan ang pagpunta para ipagdiwang ang simpleng Christmas party kasama ang mga kaanak sa Ilocos Norte. 

"Ngayon lang kasi ulit nagkikita and maganda ang fresh air," ayon kay Orlando Casiano. 

Ang pagpunta sa mga beach sa Pagudpud bago mag-Pasko ay nakagawian na ng pamilya Lagundino. 

Naroon din ang mga balikbayan gaya ni Gildo Palomares, na balik-Pinas matapos ang 11 taon. 

"Iba pa rin ang pasko dito sa 'Pinas," ani Palomares. 

Rumoronda naman ang mga lifeguard at may mga naka-standby na floaters sa mga resort. 

Fully-booked na rin ang mga homestay sa lugar, kaya ang homekeeper na si Reslyn Salud, abala sa pagsasaayos ng kuwarto para sa mga nagpareserba. 

Inaasahang dadagsa ang mga turista hanggang sa unang araw ng Enero 2020. -- Ulat ni Grace Alba, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.