TIPS: Paano mabawasan ang 'festive stress' ngayong Pasko?

ABS-CBN News

Posted at Dec 23 2019 03:33 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Hindi maiiwasang makaranas ng matinding stress sa paghahanda sa Pasko o sa iba pang pagtitipon, na kung tawagin ay "festive stress."

Kaya naman may tips ang counselling psychologist na si Ed Caligner para mabawasan ito.

1. Mamili nang maaga

Susi ayon kay Caligner para mabawasan ang stress ang maagang pagpaplano, lalo na sa mga regalong ibibigay.

"'Yung iba kasi mas maaga [namimili], I know as early as August nakapamili na 'yung iba o namili sa ibang bansa, may tiangge do'n, namili doon," paliwanag ni Caligner sa "Sakto" nitong Lunes.

2. Magbalangkas ng listahan

Ipinapayo rin ni Caligner na ilista na ang mga taong karaniwang binibigyan ng regalo tuwing Pasko.

"Kultura natin yan na nagbibigay tayo sa inaanak natin. At tumatanggap naman kasi tayo. So mahalaga na malayo pa lang may listahan ka ng mga pangalan ng bibilhan mo ng regalo at bibigyan mo ng regalo," ani Caligner.

Payo ni Caligner, bigyang prayoridad sa pagreregalo ang mga taong importante sa buhay mo.

3. Maging kontento

May mga pagkakataon din na hindi nagiging kontento ang binigyan ng regalo sa natanggap nito.

Ayon kay Caligner: "Depende kung pasok sa budget. Kaya kung alam mong 'yun lang ang pasok sa budget, eh ano man ang reaction ng binigyan mo, you have to remind yourself na hanggang doon lang ang budget, hanggang dito lang ang kinaya ko."

"You can only do so much and you can only give so much. What's important is galing ito sa puso mo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.