PHLPost, maglalabas ng commemorative stamp tampok si Catriona Gray

Abner Mercado, ABS-CBN News

Posted at Dec 23 2018 05:40 PM | Updated as of Jan 04 2019 12:31 PM

Catriona Gray waves to fans as she arrives after winning the Miss Universe 2018 beauty pageant, in Pasay City last December 19, 2018. Eloisa Lopez, Reuters

MAYNILA -- Planong itampok ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa ilalabas nitong commemorative stamp.

Nauna nang itinampok sa mga selyo ng PHLPost ang mga naunang Miss Universe ng Pilipinas.

Hindi pa tiyak kung kailan ilalabas ang selyong nagtatampok kay Gray.

Video under license from Miss Universe, LLP
Available only in the Philippines

Aminado ang PHLPost na mula 2004, bumaba ang paggamit ng selyo sa mga sulat o pagpapaabot ng greeting cards lalo na kapag may mahahalagang okasyon gaya ng mga kaarawan o maging sa panahon ng Pasko.

Ayon kay Luis Carlos, ang postmaster general ng PHLPost, malaki na ang pagkalugi nila mula 2005 hanggang 2010.

"That's an estimate that I have way back in 2005 all the way to 2010 when technology was coming in. Cumulatively my estimate would be a billion pesos of that ang nawala. It's sad but at the same time it changes the whole scenario of the business model," aniya.

Sa kabila ng teknolohiya sa pagpapadala at pagtanggap ng mensahe, hinihimok ng PHLPost ang mga Filipino na gumamit pa rin ng koreo sa pagpapadala ng mensahe at tangkilikin ang mga selyo.