Viral na Australian siomai vendor may nakakakilig na love story

ABS-CBN News

Posted at Dec 22 2019 09:39 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Nag-viral kamakailan ang mag-asawang Pinay at Australian na nagbebenta ng siomai sa isang kalsada sa Lipa City, Batangas.

Ikinasal noong 2016 sina Cherry Cawilan at Adam Barry, na viral sa social media sa pagbebenta nila ng siomai.

Pero bago pa ang kanilang love story na kasing-tamis ng ibinebenta nilang black gulaman, dumanas si Cawilan ng mga mapapait na pagsubok.

Noong nagtiis si Cawilan sa isang abusadong live-in partner kasama ang anak niya hangga't sa nagpasya itong makipaghiwalay.

Nang makaalis na sa pagmamalupit ng kinakasama, naging domestic helper si Cawilan sa iba't ibang bansa gaya ng Saudi Arabia, Singapore, at Malaysia.

Habang nasa Malaysia, nakilala ni Cawilan si Barry. Makalipas ng ilang buwan nagpasyang bumisita si Barry sa Malaysia para makapiling si Cawilan.

"I found her to be one of the most open people. She shared a lot about her life... she loved to talk about her family, her life overseas in different countries. She wasn't holding back and I knew then that she was a real person," ani Barry.

Kalauna'y sinagot ni Cawilan si Barry, at bago ikasal, nagdesisyon si Barry na manirahan sa Pilipinas.

"Thanks for enduring the hardship here in the Philippines and I'm happy that you came into my life," ani Cawilan kay Barry.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.