ALAMIN: Mga hanapbuhay na tiba-tiba ngayong Pasko | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Mga hanapbuhay na tiba-tiba ngayong Pasko

ALAMIN: Mga hanapbuhay na tiba-tiba ngayong Pasko

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Mahigit 3 dekada na sa paggawa ng parol si Roland Quiambao, na taga-San Fernando Pampanga.

Noon, tagakumpuni lamang siya ng parol ng mga kapitbahay pero matapos ang ilang taong pagsisikap ay nakapagtayo siya ng sariling pagawaan.

"Kailangan matiyaga ka, hindi puwedeng nagmamadali, very labor intensive siya kasi handmade siya," ani Quiambao.

"Kapag nakikita kong naaaliw ang tao, masaya na rin ako kasi kung wala man laman ang bulsa niya, at least ang mata niya busog."

ADVERTISEMENT

Takbuhan naman ang tulad ni Margareth Cid ng mga walang panahon sa pagbabalot ng regalo.

Limang taon nang nagbabalot ng regalo si Cid sa isang toy store, at umaabot daw sa mahigit 100 ang nababalot na regalo niya kada araw tuwing panahon ng Pasko.

"Mayroon akong part doon na kapag binigay mo 'yung item sa bata nakikita mo na masaya sila," ani Cid.

Dalawang dekada naman nang gumagawa ng hamon si Sally Syyap, na mayroon umanong sikreto sa kaniyang recipe kaya ito binabalik-balikan.

"Parang 'di kumpleto ang Pasko kapag wala akong nakikitang hamon sa mesa," aniya.

Higit sa palamuti at materyal na bagay, mas malalim pa para kina Quiambao, Cid, at Syyap ang kahulugan ng Pasko dahil kasama sila sa pagbuo nito.

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.