TIPS: Paano sasagutin ang mga maseselang tanong ng bata?

ABS-CBN News

Posted at Dec 21 2019 07:25 PM

MAYNILA - Hindi maiiwasan na habang tumatanda ang anak ay makarinig ito ng mga paksang hindi akma para sa kaniyang edad. 
 
Sakaling tanungin tungkol dito, nagpayo ang child psychologist na si Lilian Ng-Gui kung paano talakayin ang mga sensitibong tema sa bata.

"Minsan kina-cut out ng parents. [They're] not really angry, they are afraid... dahil hindi nila alam kung paano mag-explain sa anak. Limitado lang ang alam nilang konsepto," ani Ng-Gui sa programang "Sakto" ng DZMM. 

Para kay Ng-Gui, mainam na manggaling na sa magulang ang ano mang impormasyong nasasagap ng bata, lalo na kung tungkol ito sa mga maseselang paksa. 

"Yung curiosity nila hindi nila puwedeng isara. Maybe inside the room they will open their phones, and malaman nila sa iba," paliwanag ni Ng-Gui. 

Pero ayon kay Ng-Gui, kasabay pa rin nito ang pagbabantay sa nakikitang impormasyon ng anak sa social media lalo na't abot-kamay na nila ang impormasyon ngayon. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.