Inani mismo ng mga Aeta ang mga ipinamahaging mga kamote. Michael Delizo, ABS-CBN News
MAYNILA - Hindi lang ninong at ninang ang namimigay ng regalo ngayong Pasko.
Sa Tondo, Maynila, nag-ala Santa Claus ang grupo ng mga Aeta mula Capas, Tarlac matapos mamigay ng 10,000 kilong kamote.
Mismong ang mga Aeta ang namahagi ng mga kamote sa 5,000 residenteng naninirahan sa Baseco compound.
Tumulong din ang Philippine Air Force, Philippine National Police, at Cooperative Development Authority sa mga aktibidad ng mga Aeta.
Ayon sa organizer na si Roberto Rosales, plano ng mga Aeta na gawin ang tradisyon sa buong Metro Manila sa susunod na Pasko.
-- May ulat ni Michael Joe Delizo, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, Aeta, kamote, families, Manila, Santa Claus, gift-giving, Baseco Compound, Tondo