Pag-uwi ni Miss Universe Catriona Gray, inaantabayanan

ABS-CBN News

Posted at Dec 19 2018 12:20 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Catriona boarding Chavit Singson private plane heading back to the philippines

A post shared by Dyan Castillejo (@dyancastillejo) on

Dalawang araw matapos ang kaniyang tagumpay sa pagwawagi ng korona sa Miss Universe 2018, inaantabayanan na ngayon ang pag-uwi sa Pilipinas ni Catriona Gray. 

Mula Bangkok, Thailand, kung saan ginanap ang prestihiyosong pageant, ay tutulak si Gray pabalik ng Pilipinas at nakatakdang lumapag sa bansa ngayong alas-3 o 3:30 ng hapon. 

Sakay si Gray ng isang 10-seater private jet ni dating Ilocos Sur governor at negosyanteng si Chavit Singson. 

Ang anak ni Singson na si Richelle Singson-Michael ang isa sa naging hurado sa Miss Universe 2018 kasama ang kapwa-Pinay na si Monique Lhuillier, at limang iba pa. 

Ayon sa mga source, hindi pa ito ang opisyal na homecoming ni Gray dahil sa Pebrero pa umano ang enggrandeng pagsalubong sa kaniya. 

Matapos bumalik ng Pilipinas, lilipad si Gray patungong New York para sa pagsisimula ng kaniyang Miss Universe reign. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.