ALAMIN: Mga masuwerte, malas na iregalo ngayong Pasko | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

Lifestyle

ALAMIN: Mga masuwerte, malas na iregalo ngayong Pasko

ALAMIN: Mga masuwerte, malas na iregalo ngayong Pasko

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Isang linggo bago ang Pasko, abala na ang mga Pinoy sa pamimili ng regalo para sa kanilang mga mahal sa buhay.

Pero bago mag-last minute Christmas shopping, narito ang ilang payo ng feng shui expert na si Master Hanz Cua kung ano ang mga pampabuwenas at malas na regalo sa Pasko.

Mga malas iregalo:

  • Panyo
    • Ayon kay Cua, malas iregalo ang panyo dahil nangangahulugang "paiiyakin" mo ang pagbibigyan nito. Pero kung nais talagang magregalo ng panyo, ispreyan ito ng pabango bilang cure o lunas sa malas.
  • Matitinik na halaman, bulaklak
    • Sabi ni Cua, ang thorny plants o flowers ay nangangahulugan ng "piercing" at pananakit sa relasyon. Alisin ang mga tinik at lagyan ng mga pulang laso para kontra malas.
  • Bonsai
    • Sabi ni Cua, ang bonsai ay nangangahulugan ng stagnant growth sa pera. Bilang lunas ay talian ito ng pulang laso sa mga sanga.
  • Wallet
    • Malas din daw magregalo ng pitaka dahil mauubos umano ang laman nito kalaunan. Para hindi malasin, lagyan ng cash na P168 ang loob ng wallet na ibibigay.
  • Sapatos
    • Ang pagreregalo daw ng sapatos ay nangangahulugang "pag-aapakan" sa pagkakaibigan. Kung sapatos ang ireregalo, abutan ng barya ang pagbibigyan para iwas malas.
  • Relo
    • Kapag nagbigay ng relo ay "inoorasan" daw ninyo ang buhay at samahan. Bilang cure, lagyan ito ng pulang tali na gugupitin bago gamitin.
  • Gunting
    • Ibig sabihin daw ng gunting ay pagpuputol ng magandang samahan. Lagyan ito ng red na tali na gugupitin ng taong makatatanggap.
  • Kutsilyo
    • Ang mga patalim naman daw ay nangangahulugan ng karahasan sa samahan. Bago ibigay ay lagyan ito ng pulang laso.

Mga masuwerteng iregalo:

  • Ampao
    • Ayon kay Cua, ang pagbibigay ng ampao ay "pagpapasa" ng natututunan sa reregaluhan.
  • Unan
    • Ang unan daw ay nangangahulugan ng sweet dreams sa pagbibigyan.
  • Eyeglasses
    • Ang perception sa buhay ng pagreregaluhan ng salamin ay magiging maganda, ani Cua.
  • Kutsara at tinidor
    • Palaging may kakainin ang pagbibigyan nito, ayon sa feng shui expert.
  • Rice dispenser
    • Sabi ni Cua, busog at hindi gugutumin ang pamilya ng pagbibigyan ng rice dispenser.
  • Alkansiya
    • Laging may maiipon ang reregaluhan ng alkansiya.
  • Perfume
    • Tataas ang confidence ng taong pagbibigyan ng pabango, sabi ni Cua.
  • Damit
    • Kulay pula ang ibigay para masuwerte, suhestiyon ni Cua.
  • Mga prutas
    • Nangangahulugan ito ng abundance o kasaganahan sa pamilya ng pagreregaluhan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.