Tupig mabenta ulit ngayong Pasko sa Ilocos

ABS-CBN News

Posted at Dec 17 2019 07:07 PM | Updated as of Dec 17 2019 09:58 PM

Isa sa mga paboritong delicacy sa Ilocos ang tupig. Retrato ni Lemuel Salvador

Pinagsama-samang malagkit, asukal at niyog na ibinabalot sa dahon ng saging. Doon gawa ang tupig, isang native delicacy ng mga taga-Ilocos.

Sa pagdaan ng panahon, nadagdagan na ang mga sangkap na inihahalo sa tupig para mas maging malasa.

"Mas masarap kapag mas marami ang rekado gaya ng cheese, gatas, margarine. 'Yan ang ginagawa namin," ani Arsenia Suga, tagagawa ng tupig sa bayan ng Currimao, Ilocos Norte.

Dinadamihan na ng mga gumagawa ng tupig ang ibinebentang delicacy dahil patok ito tuwing Pasko, lalo sa Ilocos. Retrato ni Lemuel Salvador

Nilagyan na rin ni Suga ng flavors ang tupig para maraming pagpipilian ang mga mamimili, na dagsa sa pagbili ng kakaning paboritong inihahanda sa Pasko.

"Dinadamihan na talaga namin ang ginagawa namin[g tupig] lalo na kapag holiday," ani Suga.

Ayon naman sa anthropologist na si Jayson Antonio, nakagawian na talaga ng mga Ilokano na maghanda ng kakanin tuwing Noche Buena o iyong salusalo sa hatinggabi bago ang Pasko.

"'Yong malagkit, actually one of the superstars durnig the Christmas season," aniya. -- Ulat ni Ria Galiste, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.