PatrolPH

Rachel Peters nanghiram ng damit para sa Miss Universe 2018

ABS-CBN News

Posted at Dec 17 2018 04:20 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Harley Tan (@harleybarleyyy) on

Biglaan at hindi napagplanuhan ni Rachel Peters ang pagdalo niya sa coronation ng Miss Universe 2018 nitong Lunes sa Bangkok, Thailand. 

Si Peters ang kinatawan ng Pilipinas sa parehong pageant noong nakaraang taon. 

Kuwento ni Peters, nasa Phuket pa siya nitong Linggo ng gabi ngunit biglaan siyang nag-book ng flight papuntang Bangkok para manood ng pageant.

"Booked a flight from Phuket at 9 PM and flew to BKK at 11:30 PM to watch Miss Universe [the following morning]. Spontaneity at its best,” ani Peters sa isang Instagram post.

Wala din siyang baong damit at iba pang gamit para sa okasyon kaya kinailangan niyang manghiram kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Rachel Peters (@rachelpetersx) on

"Wearing Rajo Laurel and everything from Pia Wurtzbach because I came to Thailand with no make up, heels, nothing."

Sa IMPACT Arena sa naturang lungsod ginanap ang coronation kung saan natunghayan ang pagwawagi sa pageant ni Catriona Gray. 

Komento ni Wurtzbach sa post, nasulit naman daw ang biyahe dahil nasaksihan nila ang pagkorona sa kaibigang si Gray. 

“So glad you made this trip! Really worth it,” ani Wurtzbach. 

Si Peters ang nagpasa ng korona kay Gray sa Binibining Pilipinas 2018.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.