Damit ng Kapamilya stars, mabibili sa 'Just Love' bazaar

ABS-CBN News

Posted at Dec 17 2017 09:57 PM | Updated as of Dec 18 2017 01:12 AM

Tampok sa isang Christmas bazaar ang mga dating gamit ng mga artista.

Bida sa "Just Love" Christmas bazaar sa Vertis Tent ang mga damit at produkto ng Kapamilya stars tulad nina Kim Chiu, Karla Estrada, Ria Atayde, Ogie Alcasid, Cristine Reyes at marami pang iba.

Ulat ni Jeck Batallones ABS-CBN News

Ayon sa isang staff ni Chiu sa kaniyang stall sa bazaar, minsang nagamit ng aktres ang mga damit sa shoot o taping.

Kuwento naman ng aktres na si Tart Carlos, nagamit niya dati sa "Please Be Careful with My Heart" ang ilang gamit na ibinebenta ngayon sa bazaar.

Abot-kaya rin ang ibang damit ng mga artista. Mabibili ang ilang gamit sa halagang P100 lang.

Bukod sa mga gamit ng mga sikat, tampok din sa bazaar ang iba pang items na puwedeng panregalo sa Pasko, tulad ng mga laruan at beauty products.

Bukas ang bazaar mula alas-11 ng umaga hanggang alas-11 ng gabi hanggang sa December 23. 

QUEZON MEMORIAL CIRCLE TIANGGE

Dinarayo rin ng mga mamimili ang tiangge sa Quezon Memorial Circle.

Presyong Divisoria ang mga produktong ibinebenta roon. May shorts na pambata na P100 para sa apat na piraso at sapatos na buy one take one.

May mga damit din na P600 lang at laruang P50.    

Ilang ninong at ninang ang namimili na rin ng panregalo roon para sa kanilang mga inaanak.

-- Ulat ni Jeck Batallones ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.