PatrolPH

Tradisyon ni Lloyd Cadena na '12 Days of Christmas,' ipinagpatuloy ng kanyang pamilya

ABS-CBN News

Posted at Dec 16 2020 01:49 PM

Tradisyon ni Lloyd Cadena na '12 Days of Christmas,' ipinagpatuloy ng kanyang pamilya 1
Sinimulan ni Lloyd Cadena (kaliwa) ang video series na "12 Days of Christmas," na ipinagpatuloy ng kanyang pamilya.

MAYNILA — Sa kabila ng pagpanaw ng YouTuber na si Lloyd Cadena, ipinagpatuloy ng pamilya nito ang kanyang tradisyon na pagtulong tuwing Pasko.

Nitong Lunes, makikita sa YouTube account ng pumanaw na vlogger ang kanyang mga kamag-anak para sa video series nitong "12 Days of Christmas."

Watch more on iWantTFC

Sa unang araw, namigay sila ng mga school supplies at pagkain para sa mga bata sa Sampaloc Compound sa Maynila.

Handog din nila ang negosyo para sa isang inang nawalan ng trabaho dulot ng pandemya sa ikalawang araw.

Una nang sinabi ng ina ng vlogger na si Lorita Cadena, o mas kilala sa vlogging community bilang "Mother Kween," na ipagpapatuloy niya ang mabubuting gawain na sinimulan ng kanyang anak.

Tatak na sa mga video ng pumanaw na vlogger ang pagtulong nito sa kapwa, mula sa mga kaibigan nito hanggang sa kanilang komunidad.

Sa edad na 26, pumanaw si Lloyd, na kinikilala bilang isa sa mga pioneers ng vlogging sa Pilipinas.

KAUGNAY NA ULAT:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.