PANOORIN: Bonggang fashion show kung saan pantay ang lahat

Mario Dumaual, ABS-CBN News

Posted at Dec 16 2019 06:56 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Walang bata o matanda, plus size o sexy sa isang pabulosong fashion show na nagtampok kamakailan sa talento at gandang Pilipino.

Iba't ibang anyo at porma ng models ang rumampa sa gowns at hand-painted na barong ng beteranong designer na si Toni Galang.

“Ang concept ng beauty ngayon ay ang pagiging totoo rin,” paliwanag ng veteran fashion show director na si Raymond Villanueva, na pinili ng Dermcare Philippines para hawakan ang kanilang 30th anniversary show.

“Pagkatapos ng SEA Games, we all feel Filipino din! Kaya ito rin, huge at colorful collection ito!” dagdag ni Villanueva.

Kilala din si Villanueva na taga-discover ng beauty queens, bilang board member ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. mula pa noong ‘90s.

Sa “inclusive” na tema ng show, pinagsanib ni Villanueva ang iba’t ibang ganda at pormang Pinay, gayundin ng mga kalalakihan mula sa iba’t ibang henerasyon.

Pinangunahan ng beauty expert na si Zenaida Palisoc at Miss Globe 2019 2nd runner-up Leren Mae Bautista ang programa.

Masaya si Bautista sa kaniyang runner-up finish sa kanyang laban
sa naturang pageant sa Montenegro noong Oktubre.

Ang okasyon ay pabenepisyo rin para sa mga education scholars na tinataguyod ng isa sa pinakamatandang all-Filipino beauty at wellness organization na isinusulong ang value ng pagsisikap.
 
Finale si Binibining Plipinas 1992 Marina Benipayo, na nagpasalamat na napipili pa rin siyang model na nasisilbing inspirasyon sa senior ladies.