Paano makasasali sa BMPM Photo Challenge

ABS-CBN News

Posted at Dec 16 2017 11:01 PM

Nagbabalik sa ikatlong taon ang Paskong Pinoy Photo Challenge, ang pamaskong hamon ng Bayan Mo Ipatrol Mo (BMPM) para sa mga Kapamilyang mahilig kumuha ng retrato.

Simula noong 2015, ang Paskong Pinoy Photo Challenge ay isang online activity ng BMPM kung saan ibinibida ng mga Pilipino ang masasaya at makukulay na pamaskong tradisyon, dekorasyon, at mga gawain sa tahanan man o sa pamayanan.

Sa loob ng 10 araw simula Disyembre 18, magkakaroon ng "theme of the day" ang BMPM na siyang susundin ng mga gustong magpadala ng larawan.

Ang mga larawan ay ipapadala sa BMPM social media accounts na Bayan Mo Ipatrol Mo sa Facebook, @bayanmo sa Twitter, at @bayanmoipatrolmo sa Instagram. Kailangang gamitin ang hashtag na #PaskongPinoyPhotoChallenge at ilagay sa caption kung saan at kailan ito nakunan.

Bawat araw, isa ang pipiliing "photo of the day" na makakatanggap ng "Just Love" t-shirt. 

Ang mga makakakumpleto naman ng 10 araw na photo challenge ay makakatanggap rin ng "Just Love" t-shirt at mga karagdagang regalo mula sa BMPM.

Basahin ang buong mechanics sa http://bit.ly/PaskongPinoyYear3.