PatrolPH

ALAMIN: Ilang dapat tandaan bago bumiyahe pa-Bohol ngayong pandemya

ABS-CBN News

Posted at Dec 15 2020 07:56 PM

ALAMIN: Ilang dapat tandaan bago bumiyahe pa-Bohol ngayong pandemya 1
Chocolate Hills sa Bohol. ABS-CBN News/File

BOHOL - Matumal pa rin ang punta ng mga bisita sa Bohol ngayong may pangamba dahil sa pandemya. 

Kaya narito ang ilang dapat tandaan bago bumiyahe rito: 

Para makapasok sa Bohol, dapat may kumpirmadong booking sa hotel na accredited ng probinsiya. 

Dapat ding nakarehistro sa tourism.bohol.gov.ph ang turista, kung saan makakakuha ng QR code na magsisilbing electronic visitors ID. 

Dapat ding may negatibong RT-PCR test result na nakuha sa loob ng 3 araw ng pagpasok sa Bohol. Ang lahat ng mga dokumento ay dapat ipakita sa check-in counter ng flight. 

Pagbaba sa paliparan, titingnan ang body temperature at idi-disinfect ang mga dalang bag. 

Kung lalagpas ng 5 araw sa panantili sa Bohol, kailangang sumailalim sa RT-PCR test, at pumasok sa quarantine facility nang 2 linggo. 

Wala pang balak na luwagan ng probinsiya ang mga requirement. 

Limitado lang din ang kilos ng mga bisita sa Bohol sa tinatawag na "tourism bubble."

Dapat may naka-book ding tour operator at maaaring maharap sa multa ang turista kung lalagpas sa tourism bubble. 

Nagbagsak ng presyo ang mga hotel at resort sa Bohol nang halos 50 porsiyento para maengganyo ang mga turista na magpunta sa probinsiya. 

— Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.