Ilang celebrities ipinasilip ang kanilang mga Christmas tree

ABS-CBN News

Posted at Dec 15 2019 10:06 PM

Maging ang mga sikat na personalidad ay todo-handa sa pagtatayo ng kanilang mga Christmas tree.

Sa "Rated K," ibinahagi ng ilang kilalang personalidad ang mga tema ng kani-kanilang mga Christmas tree.

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa bahay ng celebrity doctors na sina Hayden Kho at Vicki Belo, hango ang kulay ng Christmas tree sa mga kulay na gusto ng kanilang anak na si Scarlet Snow.

May taas na 10 talampakan ang puno, na pinalamutian ng mga prutas at hayop.

Kumuha pa ng sikat na designer mula Amerika ang mag-asawa para damitan ang kanilang puno.

Kulay pink naman ang punong napili ni Kim Chiu.

Si Chiu mismo ang nag-decorate ng 12 talampakang puno.

Inspirasyon naman ng Christmas tree ng entrepreneur na si Joel Cruz ang mga biyahe nila ng kaniyang pamilya.

Tampok sa kanilang puno ang mga kulay blue at white, na hango raw sa isang pista sa Israel. Mayroon ding mga cherry blossom na hango naman sa mga bakasyon sa Japan at Korea.

Ibinida naman ni Korina Sanchez ang kaniyang "customized" Christmas tree, na para sa kaniyang mga anak na sina Pepe at Pilar.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.