PatrolPH

Mga Pinoy kaniya-kaniyang obra para kay Miss Universe PH Beatrice Gomez

ABS-CBN News

Posted at Dec 14 2021 01:34 PM

Watch more News on iWantTFC

Matapos ang top 5 finish ni Beatrice Luigi Gomez sa Miss Universe, kaliwa't kanan ang pagpupugay ng mga kababayan sa Cebuana beauty queen.

Sa Badiangan, Iloilo, isang fashion illustration art ang ginawa ni Edgian James Calapardo para kay Gomez. Gawa ito sa mayana leaves, bulaklak ng papaya at dayami ng palay.

Inukit naman ni Edimar Paclibar ng Jaro, Iloilo City ang mukha ni Gomez sa dahon ng langka.

Tinapos ni Paclibar ang obra sa loob lang ng isang oras.

Food art naman na gawa sa pasta at ketchup ang ibinida ng Ilonggo na si Jaypee Bacera Magno.

Gamit ang toothpick, 4 na oras nilikha ni Magno ang mukha ni Gomez sa isang plato.

Hindi man nakuha ni Gomez ang Miss Universe crown sa coronation event noong Lunes, proud pa rin ang 3 creators sa kaniya.

Ang pambato ng India na si Harnaaz Sandhu ang nagwagi sa pageant, na idinaos sa Israel.

— Ulat ni Rolen Escaniel

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.