MAYNILA — Usap-usapan ngayon ang bagong disenyo ng P1,000 bill ng Pilipinas tampok ang Philippine eagle sa pagnanais ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na maipakita ang mga flora at fauna species sa ating bansa.
Ayon sa BSP, noong itinaas ang batas militar noong 1981, nagkaroon ng inisiyatiba ang ahensya na ilagay ang mga bayani simula kay Apolinario Mabini sa P10 bill hanggang kay Benigno Aquino Jr. sa P500 bill.
"In 1991, the BSP issued for the first time a 1000-peso banknote, containing on the obverse side the composite portraits of Jose Abad Santos, Josefa Llanes Escoda, and Vicente Lim," anila.
Ngunit papalitan na ang imahe ng P1000 bill, at marami sa social media ang hindi panig sa hakbang na ito. Ayon sa ilan, hindi dapat isawalang-bahala ang naging kabayanihan nina Jose Abad Santos, Josefa Llanes Escoda, at Vicente Lim.
Sino nga ba ang mga World War II heroes na nasa P1000 banknote?
JOSE ABAD SANTOS
Si Jose Abad Santos ay nanilbihan bilang chief justice ng Pilipinas noong panahon ng pananakop ng Amerika sa Pilipinas.
Ayon sa Official Gazette, nanilbihan si Abad Santos bilang Kalihim ng Katarungan para sa iba’t ibang Amerikanong Gobernador-Heneral, una sa ilalim ni Gobernador-Heneral Leonard Wood mula 1922 hanggang 1923.
Mula sa Official Gazette:
Sa “krisis ng gabinete” noong 1923, nagbitiw sa panunungkulan ang mga Filipinong kasapi ng gabinete, isa na si Abad Santos, bilang protesta sa di-katanggap-tanggap na paghawak ni Gobernador-Heneral Wood sa kaso ni Ray Conley," anila.
"Makalipas ang ilang taon, muli siyang napabilang sa hanay ng mga Kalihim ng Katarungan noong 1928, at nanilbihan sa ilalim nina Gobernador-Heneral Henry L. Stimson, Dwight F. Davis, at Theodore Roosevelt Jr. hanggang maitalaga siya bilang Katuwang na Mahistrado ng Korte Suprema noong 1932," dagdag pa sa talambuhay ng manananggol.
Naging kasangga ni dating pangulong Manuel Quezon sa iba't ibang mga pagsubok sa bansa at itinalaga si Santos sa iba't ibang katungkulan.
"Noong Hulyo 16, 1941, ibinalik ng Pangulong Quezon si Abad Santos sa Korte Suprema. Pumutok ang digmaan noong Disyembre 9, 1941, ang kapistahan ng Imakulada Konsepsyon, at ng pagdating ng mga Hapones sa Pilipinas. Kinailangang lisanin ng Pamahalaang Komonwelt ang Maynila, na idedeklarang Open City upang mailigtas ang mga mamamayan sa pambobomba ng mga kalaban. Kasabay noon, dahil sa paglisan ng pamahalaan, kinailangan ang pagrereorganisa ng Pamahalaang Pilipinas upang matugunan ang sitwasyon. Isinagawa ito noong Disyembre 22, 1941, noong inorganisa ang Gabineteng Pandigma ng Komonwelt (Commonwealth War Cabinet) sa bisa ng Executive Order No. 396.
Jose Abad Santos and Jose P. Laurel. Photo courtesy of the National Library of the Philippines
Noong Disyembre 24, nagretiro ang nakatatandang Punong Mahistrado (Chief Justice) na si Ramon Avanceña, na binigyan ang Pangulong Quezon ng pagkakataong maghirang ng bagong Punong Mahistrado. Itinalaga ng Pangulong Quezon si Abad Santos bilang Punong Mahistrado ilang oras bago lumisan ng Maynila ang Gabineteng Pandigma patungong Corregidor. Sa reorganisasyong naganap sa ilalim ng Executive order No. 396, itinalaga rin si Abad Santos bilang Kalihim ng Katarungan at Pananalapi. Noong hapon ding iyon, sumakay ang Gabineteng Pandigma lulan ng S.S. Mayon papuntang Corregidor upang makalayo sa walang habas na pambobomba ng mga Hapones.
"Noong Disyembre 30, sa labas ng Lagusan ng Malinta, isinagawa ni Abad Santos ang panunumpa sa katungkulan nina Quezon at Osmeña para sa kanilang ikalawang termino bilang Pangulo at Pangalawang Pangulo."
JOSEFA LLANES-ESCODA
Sa tala ng Girl Scout of the Philippines (GSP), Josefa Llanes-Escoda ay ipinanganak noong Setyembre 20, 1898 sa Dingras, Ilocos Norte. Panganay siya sa pitong magkakapatid ng mag-asawang Mercedes Madamba at Gabriel Llanes.
Nagtapos siya bilang valedictorian sa Dingras Elementary School at salutatorian naman sa Laoag Provincial High School. Siya ay nagtapos ng kolehiyo sa Philippine Normal College at nagtapos with honors sa kursong edukasyon noong 1919.
"While teaching, she earned her high school teacher's certificate from the University of the Philippines in 1922. After this, she went to the USA and studied social work. She finished with a masteral degree in Sociology from Columbia University," ayon sa GSP.
"During her first trip to the USA, she met Antonio Escoda, a reporter from the Philippine Press Bureau. After their return to Manila, they got married and were blessed with two children, Maria Teresa and Antonio Jr.," dagdag pa nila.
Nag-ensayo si Llanes sa Amerika ng girl scouting at kalaunan ay naging founder ng Girl Scout of the Philippines.
Mrs. Josefa Llanes Escoda, organizer of the Philippine Girl Scout Movement. Courtesy of Presidential Museum and Library PH. Photo from Philippines Magazine, Volume I Number 2 - February 1941
"In 1939, her second trip to the USA just before the outbreak of World War II, she underwent intensified training in Girl Scouting sponsored by the Boy Scouts of the Philippines. When she came back in 1940, she began to train young women from among teachers of public and private schools to become Girl Scout leaders and then proceeded to organize Girl Scout troops," anila.
Nagsilbi si Llanes-Escoda sa mga Pilipino sa panahon ng pananakop ng mga Hapon. Kalaunan siya, kasama ang kanyang asawa, ay dinakip at napag-alamang pinatay.
"On May 26, 1940, President Manuel L. Quezon signed the charter of the Girl Scouts of the Philippines (Commonwealth Act. No. 542), giving the Movement the recognition of its role in leadership training of girls and women. Josefa became the first National Executive of GSP. She served in this capacity until she was captured by the Japanese occupation army," anila.
"During the Japanese occupation of the Philippines, she and her husband helped Filipino and American prisoners in several concentration camps. On August 27, 1944, she was arrested and imprisoned in Fort Santiago where she and Antonio were reported to have been interrogated and executed."
VICENTE LIM
Sa mga arkibo ng National Commission for Culture and the Arts, si Brig. Gen. Vicente Lim kinilala bilang isa sa mga unang Pilipinong nagtapos sa prestihiyosong akademya militar United States Military Academy sa West Point, New York.
Photo taken from Cornejo's Commonwealth Directory of the Philippines
Nagtrabaho si Lim bilang bahagi ng hukbo ng Pilipinas sa iba't ibang katungkulan.
Malaki ang naging papel ni Lim para ipagtanggol ang Pilipinas sa World War II kasama si Heneral Douglas MacArthur.
"Nang muling ipinaloob ang hukbong Pilipino sa mga Amerikano noong 1941, kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, si Lim ang naging pinakamataas na Pilipino sa ilalim ng pamumuno ni Heneral Douglas MacArthur. Ibinigay sa kaniya ang 41st Philippine Division na inatasang magtanggol sa Katimugang Luzon. Pinamunuan niya ang kaniyang mga kawal sa madudugong laban sa Bataan," saad sa Official Gazette.
"Noong Abril 1942, sumuko ang dibisyong ito kasama ang lahat ng puwersang Filipino at Americano. Kabilang si Lim sa dumanas ng tinaguriang “Death March.” Kahit sugatan, nabuhay siya at ipinasok sa Philippine General Hospital. Gumaling siya kaagad ngunit ikinubli ito sa mga Japanese. Nagpanggap siyang patuloy na may dinaramdam, ngunit ang totoo ay tumutulong sa pamumunò ng mga gerilya ng Luzon mula sa kaniyang kama."
"Noong 1944, inutusan siyang samahan si MacArthur sa Australya, ngunit nadakip siya ng mga Japanese sa kaniyang paglalakbay. Ikinulong siya nang apat na buwan sa Fort Santiago at Bilibid sa Maynila bago bitayin ng mga Japanese sa Manila Chinese Cemetery noong 31 Disyembre 1944, halos bago ang Bagong Taon at bagong pag-asang hatid ng nakaambang liberasyon ng buong Pilipinas."
Ginawaran si Lim ng Legion of Merit at Purple Heart sa kanyang pagpanaw at pag-alay ng buhay para sa Pilipinas.
Makikita din ang kaniyang pangalan sa Tablets of the Missing sa American Cemetery sa Lungsod Taguig, Metro Manila. Ipinangalan sa kaniya ang Kampo Vicente Lim sa kaniyang tinubuang bayan ng Calamba, Laguna.
KAUGNAY NA ULAT:
- Josiah Antonio, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Tagalog News, PatrolPH, BSP, P1000 bill, Jose Abad Santos, Josefa Llanes Escoda, Vicente Lim