Alex Gonzaga, makeup endorser na rin ngayon

ABS-CBN News

Posted at Dec 12 2019 11:23 AM | Updated as of Dec 12 2019 11:29 AM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Alex Gonzaga (@cathygonzaga) on

MAYNILA -- Hindi inasahan ng TV host-vlogger na si Alex Gonzaga na magsusunod-sunod ang kanyang mga blessings bago magtapos ang 2019.

Kasunod ito nang kaniyang bagong collaboration sa isang organic cosmetic brand kung saan isa siya sa mga personal na nagbigay ng ideas para sa mga bagong produkto.

"In vlogging kasi, dito kasi nabibigyan ka ng opportunity sa social media puwede kasing wala kang clause, walang locked in, so we are very open. And may mga times na walang exclusivity and marami kang pwede gawan ng mga collaboration, and actually 'pag endorsement, it's a collab," tugon ni Alex sa launch sa kaniya ng Issy & Co cosmetics.

Ayon pa kay Alex, personal rin niya na ginagamit ang bawat produkto na napapanood sa kaniyang mga videos sa YouTube.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Alex Gonzaga (@cathygonzaga) on

"Mas marami kang opportunity na makapag-work sa ibang brand. You have the freedom to choose if you want to decline the product or if you don't believe in the product, kasi it's a collab talaga," aniya pa.

At kahit mas madalas ngayon na nakikita nang publiko, tuloy pa rin daw ang suportahan nila nang kaniyang ate na si Toni Gonzaga.

"Marami rin siyang gagawin, magugulat na lang kayo. Nakikita ko marami rin siya ginagawa as of the moment, kaya wait natin siya," ani Alex. 

Bukod sa kaniyang vlog, isang pelikula rin kasama si Xian Lim ang binubuo ngayon ni Alex na target ipalabas sa 2020.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.