PatrolPH

Ryan Bang, ibinahagi ang sekreto sa pagluto ng ramen

ABS-CBN News

Posted at Dec 11 2020 11:58 AM

MAYNILA -- Nagsisimula na ang paglamig ng panahon at sa ganitong mga araw, masarap ang humigop ng mainit na sabaw.

Sa programang "Sakto" ng TeleRadyo nitong Biyernes, itinuro ng Koreanong si Ryan Bang kay Amy Perez, isa sa mga host ng "Sakto," kung paano pasarapin ng instant ramen.

"Ang pagluto ng ramen, madali lang pero sensitive," ani Ryan.

Ayon kay Ryan, sa isang pakete ng ramen kailangan ang 550 ml o tatlong basong tubig. Para mabilis ang pagkulo ng tubig, unang ilagay ang dahon ng sibuyas at sauce. Maghanda na ng isang binating itlog. 

Putulin muna ang noodles at ilagay na sa kumukulong tubig. Paglagay sa tubig ay saka ito ibuka. Kapag napaghiwalay-hiwalay na ang noodles ay agad itong ilipat sa isang bowl. Huwag muna isama ang sabaw. Ilagay na sa sabaw ang binating itlog. Isunod na ilagay ang dahon ng sibuyas kung mayroon. Takpan ang sabaw, pagkatapos ng 10 segundo ay patayin ang apoy at ilipat na ang sabaw sa noodles.

Narito si Ryan Bang, ang Koreanong may pusong Pinoy, tampok sa "Sakto" ng TeleRadyo. Simulang panoorin ang video simula sa markang 39:00 hanggang 45:05.

Watch more on iWantTFC

Sa ngayon, maliban sa "It's Showtime," ay parte si Ryan nang inaabangang pelikula na "Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim" na pinagbibidahan ni Vhong Navarro.

Tampok din na mga bituin sa bagong "Mang Kepweng" sina Jaclyn Jose, Barbie Imperial, Ritz Azul, Joross Gamboa, Fumiya Sankai at Yamyam Gucong.

Sa direksiyon ni Topel Lee, magsisimula mapanood online ang “Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim” at iba pang mga kalahok sa MMFF 2020 sa Araw ng Pasko sa pamamagitan ng Upstream.ph.

Related video: 

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.