PatrolPH

Designer Monique Lhuillier, isa sa mga hurado sa 2018 Miss Universe

ABS-CBN News

Posted at Dec 11 2018 07:19 PM | Updated as of Dec 11 2018 08:15 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Monique Lhuillier (@moniquelhuillier) on

Isa ang tanyag na Filipino designer na si Monique Lhuillier sa mga magsisilbing hurado para sa 2018 Miss Universe, ayon sa pangulo ng Miss Universe Organization (MUO).

Sa panayam ng ABS-CBN News kay MUO president Paula Shugart, ibinahagi nito na sa unang pagkakataon ay pawang mga babae ang mga hurado sa pageant, kabilang si Lhuillier​​.

"It's all women, all female empowerment, they're all role models for every one of our contestants to aspire to be," sabi ni Shugart.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Dyan Castillejo (@dyancastillejo) on

"I think our fans from the Philippines will be very happy. We have a famous Filipina designer, Monique Lhuillier. Very excited. She's very happy to be participating," dagdag ni Shugart.

Bukod kay Lhuillier, kasama rin sa mga hurado ang ilan dating Miss Universe titleholders gaya ng Namibian na si Michelle McLean, na kinoronahang Miss Universe noong 1992.

Ipinaliwanag din ang magiging format ng pageant ngayong taon.

Watch more on iWantTFC

Mula 94, pipiliin ang Top 20 na bubuoin ng limang kandidata mula Americas, Europa, Asya at Africa.

Wala nang people's choice vote at lima ang mapipili para sa wild card.

Mula sa 20, pipiliin ang Top 10 na lalaban sa swimsuit at evening gown competition.

Pipili ulit ng Top 5 na sasabak naman sa question and answer portion.

Ang mapipiling Top 3 naman ay sasagot sa isa pang tanong bago piliin ang magiging Miss Universe ngayong taon.

Idaraos sa umaga ng Lunes, Disyembre 17, ang Miss Universe 2018 sa IMPACT Center sa Bangkok, Thailand.

Mapapanood ito simula alas-8 ng umaga sa ABS-CBN.

-- Ulat ni Dyan Castillejo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.