LGBT community, hiling ay 'kaligtasan', 'kalayaan' sa 2017 QC Pride March

ABS-CBN News

Posted at Dec 10 2017 12:41 AM | Updated as of Dec 10 2017 07:17 AM

Nagtipon-tipon ang mga miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, and Transgender (LGBT) community sa isinagawang 2017 QC Pride March sa Tomas Morato Avenue, Quezon City nitong Sabado. 

Iba't-ibang LGBT groups mula sa Quezon City, Metro Manila at mga karatig lalawigan ang nakilahok sa parada.

Marami rin ang hindi bahagi ng LGBT community ngunit nagpakita ng suporta sa mga grupo. 

Suot ang kanilang matitingkad at makukulay na damit, masayang rumampa ang mga "beki" sa kahabaan ng Timog Avenue habang winawasiwas ang rainbow o pride flag na kilalang simbolo ng LGBT. 

Ipinarating nila ang theme ngayong taon na "Safe and Free," isang AIDS-awareness initiative ng LGBT community. 

Bukod sa sari-saring performace, nagkaroon din ng runway show bilang parte ng kanilang programa. 

--May ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.