PatrolPH

Celebrity recipe: Jolina's Crispy and Cheesy Fruit Salad

ABS-CBN News

Posted at Dec 09 2021 03:03 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA -- Halos dalawang linggo bago ang Pasko, isang napakadaling dessert ang ibinahagi ng mga host ng "Magandang Buhay."

Nitong Miyerkoles, ipinakita ni Jolina Magdangal sa kanyang mga kasamahang "momshie" na sina Melai Cantiveros at Karla Esteada kung paano gawin ang Crispy and Cheesy Fruit Salad.

Para sa sangkap, kailangan lang ng fruit cocktail, all-purpose cream, kondensada, keso, strawberry jam at pinipig.

"Hindi nawawala sa Pasko ang fruit salad, pero ngayon gagawa tayo ng may twist ... magiging crispy siya at cheesy," ani Magdangal.

"Yung pinipig magiging crispy siya kasi ni-roast na natin," dagdag ni Magdangal.

Ayon sa mga host, maari ring gawing pang-negosyo ang nasabing dessert.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.