Sino nga ba siya? Fun facts tungkol kay Gazini Ganados

ABS-CBN News

Posted at Dec 09 2019 08:37 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Mas kilalanin natin ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe na si Gazini Ganados. Narito ang ilang fun facts tungkol sa kanya.

  • Simple lang ang buhay ni Gazini noong kanyang kabataan. Tulad ng ibang mga bata, madalas din siyang maglaro sa kalye. At isa sa hilig niyang laro noon ay ang tagu-taguan.
  • Lumaki naman si Gazini nang walang kinilalang ama. Pag-amin niya, hindi pa niya nakikilala ang ama na isang Palestinian.
  • Ang kanyang ina na si Carmencita at ang kanyang lolo at lola lamang ang nagpalaki sa kanya.
  • Dahil sa kagustuhang makatulong sa pamilya, nagba-bike si Gazini sa tuwing papasok sa paaralan para makatipid ng pera.
  • Tutol dati ang kanyang ina na sumali siya sa mga beauty pageant. Pero nang tuparin ni Gazini ang pangako na pagbutihin ang kanyang pag-aaral ay pumayag na ang kanyang ina.
  • Nagtapos si Gazini ng BS in Tourism Management at may degree din siya ng Health Care Services NCII na akma sa kanyang adbokasiya para sa mga lolo at lola.

-- Umagang Kay Ganda, Disyembre 9, 2019.