'Look back' sa mga Pinay na naging Miss Universe

ABS-CBN News

Posted at Dec 09 2019 08:13 AM | Updated as of Dec 09 2019 08:20 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Apat na Pinay na ang nakoronahan sa Miss Universe.

Taong 1969 nang unang beses nating naiuwi ang Miss Universe crown na nakuha ni Gloria Diaz.

Labing-walong taong gulang noon si Gloria nang lumaban sa Florida, USA.

Makalipas ang apat na taon, napanalunan ulit ang korona. 

Taong 1973, nang sumabak at nagwagi si Margie Moran sa Miss Universe na ginawa sa Athens, Greece.

Si Pia Wurtzbach ang nagdala sa Pilipinas ng ikatlong korona sa Miss Universe.

Tumatak ang pagkapanalo ni Pia dahil nagkamali noon sa pag-anunsiyo ang host na si Steve Harvey. Binawi noon ang korona kay Miss Columbia at isinalin kay Pia.

Noong nakaraang taon ay naiuwi ulit ng Pilipinas ang korona nang manalo naman si Catriona Gray.

Ngayong taon, susubukan ulit ng pambato ng Pilipinas na si Gazini Ganados ang back-to-back win ng bansa sa prestihiyosong kompetisyon.

-- Umagang Kay Ganda, Disyembre 9, 2019