Catriona Gray, humingi ng panalangin at suporta para kay Gazini Ganados

ABS-CBN News

Posted at Dec 09 2019 08:27 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Ilang minuto na lang bago ang Miss Universe 2019 sa Tyler Perry Studios sa Atlanta, USA.

Kakaiba ang setup ng venue para sa kompetisyon dahil hindi ito accessible sa publiko at kailangan ng ticket at shuttle bus mula sa hotel patungo rito.

May higit 200 media outlets ang nasa venue para sa gaganaping Miss Universe 2019.

Katatapos lang ng red carpet kung saan dumating na ang guest, celebrities, hosts, judges at beauty queens, kabilang na ang mga dating nagawagi sa Miss Universe na nagbigay din ng kanilang saloobin sa inaabangang patimpalak.

Humingi rin ng panalangin si Miss Universe Catriona Gray para sa pambato ng Pilipinas na si Gazini Ganados.
 
Narito ang kabuuang report ni Dyan Castillejo.

Umagang Kay Ganda, Disyembre 9, 2019