DAVAO CITY — Naging inspirasyon ng mga frontliners na na-assign sa Francisco Bangoy International Airport sa Davao City, ang ABS-CBN Christmas Station ID na "Ikaw ang Liwanag at Ligaya", kaya ginawan nila ito ng sariling bersyon.
Sa video ni Elmer Verano, mapapanood ang noo'y mataong paliparan ng lungsod na ngayo'y tahimik dahil sa COVID-19 pandemic. Makikita ang pagsisikap ng mga frontliner, na sa kabila ng panganib ng coronavirus, ay patuloy nag-aasikaso ng mga pasahero.
Ayon kay Verano, na COVID-19 airport manager ng Davao City Health Office, katuwaan lang nila ang paggawa ng music video at para na rin lalo pang mapalakas ang loob ng mga frontliner.
"Nagustuhan ko ang rhythm at message ng kanta na napapanahon ngayong may pandemya," aniya.
Bukod sa seryosong pagbigay-serbisyo sa mga airline passenger, bumida rin ang mga frontliner sa pagsasayaw sa station ID ng ABS-CBN.
Kabilang sa mga sumali sa music video ang mga empleyado sa paliparan, mga pulis at sundalo, government employees na naatasan sa screening ng mga dokumento, RT-PCR test, dispatching, pati na mga kawani sa isolation facilities.--Ulat ni Hernel Tocmo
RELATED VIDEO
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Davao, Davao airport, Ikaw ang Liwanag at Ligaya, Francisco Bangoy International Airport, ABS-CBN Christmas Station ID, ABS-CBN, Regional news, Tagalog news