Medical service, libreng gupit hatid sa Kapamilya Christmas fair

ABS-CBN News

Posted at Dec 08 2019 01:50 PM | Updated as of Dec 08 2019 06:23 PM

Watch more in iWantTFC

Mga libreng serbisyo, papremyo, at sari-saring mga laro at aliwan ang hatid sa libo-libong taong nagtungo ngayong Linggo sa Valenzuela People's Park para sa Grand Kapamilya Christmas Fair.

Tampok sa fair ang iba-ibang booths ng mga programa ng ABS-CBN News and Current Affairs, na may dalang freebies at mga regalo. May mga palaro rin sa bawat booth, kung saan maaaring mag-uwi ng mga prize ang mga lalahok.

Noong umaga, nagdaos ng zumba session, na nilahukan ng anchor na si Winnie Cordero, at nina Lars Pacheco at Brenda Mage mula sa Miss Q&A ng "It's Showtime."

Pinilahan din ang mga medical mission na nagbibigay ng libreng check-up at gamot.

"Pagkakataon ko na ma-check up mata ko," ani Benito Aure, isang 65 anyos na karpintero.

"Nagpapasalamat rin ako sa Kapamilya sa ganitong pagkakataon," dagdag niya.

Nasa 3,500 tao ang bumisita sa fair, base sa tala bandang ala-1:20 ng hapon.

-- Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.