SILIPIN: Patalbugan sa pagrampa ng beauty queens

ABS-CBN News

Posted at Dec 08 2017 10:21 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nagsama-sama ang mga Pinay beauty queens at Miss Universe beauties para sa isang charity ball nitong Huwebes ng gabi na ibinida ang mga Pinoy designers.

Ang okasyon ang highlight ng pagbisita sa bansa ni Miss Universe 2017 Demi-Leigh Nel-Peters kasama ang iba pang beauties. 

Angat ang ganda nina Miss Great Britain, Miss Korea, at Miss Russia sa charity ball.

Gayundin si Miss Philippines Rachel Peters.

Hindi rin naman nagpatalo ang mga dating Binibining Pilipinas-Universe sa kanilang pagrampa. 

Nakapag-groupie pa ang mga naging pambato ng Pilipinas sa Miss Universe na sina Bianca Manalo, Venus Raj, Shamcey Supsup, Ariella Arida, MJ Lastimosa, Maxine Medina at Rachel Peters.

Pero higit pa sa mga beauties, gabi ito ng mga Pinoy designer na muling pinakita ang kanilang talent.

Gayundin ang mga kapos-palad na mga bata sa Hope for Change na beneficiary ng fashion ball. 

Umikot na rin nitong Biyernes ang mga beauties sa tourist spots ng Pilipinas na Batanes, Bohol, at Camiguin para sa Bring-Home-a-Friend campaign ng Department of Tourism. 

Pinay, kinoronahang Miss Tourism International

Samantala, matagumpay naman ang Pinay na si Jannie Alipo-on na kinoronahang Miss Tourism International nitong Miyerkoles.

"I'm just really happy that the crown is finally back sa ating mga Pilipino," ani Alipo-on.

 

A post shared by Jannie Alipo-on (@janniealipoon) on

Dating 'maleta girl' sa “Kapamilya, Deal or No Deal” ang dating Miss Navotas.

Dinaig niya sa ganda at talino ang 49 ibang kandidata.

-- Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.