Patok ngayong Pasko ang ube cheese bibingka. Gracie Rutao
PAMPANGA - Patok ngayong Pasko ang bagong flavor ng classic kakanin na bibingka: ube cheese.
Naisip umano itong gawin ni chef Regina Sandiko matapos mauso ang ube cheese pandesal noong lockdown sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
“Wala pong magawa, na-lockdown, tapos naisip po namin na why not gawin sa bibingka," aniya.
Bukod sa ube flavoring, nilalagyan din ito ng homemade ube halaya filling, dagdag niya.
Perfect itong kasama ng puto bumbong at hot tsokolate batirol o tsokolate batirol shake, ayon kay Sandiko.
Sa Angeles City, may 6 na flavor ng bibingka ang pinipilahan pagsapit ng dilim: ham and cheese, cinnamon, emsaymada, langka-macapuno, salted egg, at ube cheese.
“Meron po kaming special recipe ng bibingka, from our family. Mga 15 years na po. Naisip ko po na i-enhance na lang po, para pumatok sa panlasa ng mga tao," ayon naman kay Shian Mark Yalung.
“Parang culture na sa mga Pilipino na may bibingka talaga," sabi ni Pamela Ocampo, isang kustomer.
--Ulat ni Gracie Rutao
RELATED VIDEO
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Tagalog news, regional news, regions, Pampanga, bibingka, kakanin, ube cheese, ube cheese bibingka