Tatanghaling Miss Universe 2019, isusuot ang bagong P250-M halaga ng korona

Dyan Castillejo, ABS-CBN News

Posted at Dec 06 2019 05:04 PM | Updated as of Dec 06 2019 08:04 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Catriona Gray (@catriona_gray) on

ATLANTA, Georgia — Tumataginting na $5 milyon o katumbas ng nasa P250 milyon ang halaga ng bagong korona na isusuot ng tatanghaling Miss Universe 2019.

Huwebes dito nang ilantad sa publiko ang "Power of Unity" crown na gawa ng sikat na luxury jeweler na Mouawad.

Watch more in iWant or TFC.tv

Kasama sa nag-unveil sa bagong korona sina Miss Universe 2018 Catriona Gray, Miss Universe Organization president Paula Shugart, at Mouawad Retail Group CEO Pascal Mouawad.

Napa-wow ang mga kandidata nang makita ang korona, na isusuot ng isa sa kanila sa coronation ng Miss Universe 2019 sa Linggo (Lunes sa Pilipinas). 

"It contains 1,770 diamonds, total weight is 167 carats. Center diamond is golden canary, 63 carats... We had an armored car when we flew it to Atlanta [so] it is very secure," ani Mouawad.

PRELIMS UMARANGKADA NA

Samantala, sumalang na sa kani-kanilang preliminary interviews ang mga kandidata ng Miss Universe, kung saan ginisa sila ng all-female panel of judges na siyang magdidikta ng kanilang kapalaran sa finals. 

Limang minuto ang interview ng bawat candidate para maipakita ang personalidad nila sa mga judge.

"I would like them to know that I am a woman with a purpose through my experiences. Hopefully they will hear me. Nandito na po ako... Continue to pray for me in this journey," sabi ni Miss Universe Philippines Gazini Ganados. 

Susubukan ni Ganados makuha ang korona mula kay Gray at makamit ang pambihirang back-to-back win ng Pilipinas sa Miss Universe. 

Live na mapapanood sa ABS-CBN ang coronation ng Miss Universe 2019 sa Disyembre 9, Lunes, simula 8 a.m.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.