BALIKAN: Paano nagsimula sa pageant world si Catriona Gray?

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Dec 06 2018 08:24 AM | Updated as of Dec 06 2018 11:41 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Ilang araw bago ang Miss Universe pageant sa Thailand, todo-suporta na ang ibinibigay ng mga tagahanga sa pambato ng Pilipinas na si Catriona Gray.

Ang 24-anyos na modelong Filipino-Australian ang kauna-unahang Pilipina na kumatawan sa Pilipinas sa Miss Universe at Miss World.

Pero paano nga ba nagsimulang pasukin ni Catriona ang pageant world?

Si Catriona Gray ay ipinanganak noong Enero 6, 1994 sa Queensland, Australia. Bilang Pilipino, hindi siya nakalimot sa kanyang hometown, ang Oas, Albay.

Sa mundo ng beauty pageant, unang lumaban para sa Pilipinas sa 2016 Miss World pageant si Catriona, kung saan nagtapos siya sa Top 5.

Hindi sumuko at hindi nawalan ng pag-asa, Enero 8, 2018 ay nagsumite ng application si Catriona para sa Binibining Pilipinas.

Nasungkit niya halos lahat ng special awards bukod sa titulong Miss Universe-Philippines.

Ngayon, marami ang naghahangad na maiuuwi ni Catriona ang ikaapat na Miss Universe crown para sa Pilipinas, kasunod nina Pia Wurtzbach noong 2015, Margie Moran noong 1973 at Gloria Diaz noon 1969.

Top 10 finish noong isang taon si Miss Universe Philippines Rachel Peters. Simula kay Venus Raj noong 2010, taon-taong pasok sa Miss Universe semifinals ang Pilipinas.