KILALANIN: Mga makakatunggali ni Gazini para sa Miss Universe crown

ABS-CBN News

Posted at Dec 05 2019 09:55 PM

Watch more in iWantTFC

ATLANTA, Georgia — Matindi ang kompetisyong kakaharapin ni Gazini Ganados para makamit ang back-to-back win sa Miss Universe, lalo pa't pambihira rin ang mga kandidata ng ibang bansa.

"I know what I'm here for. I'm here for the crown and I'm ready for it," matapang na sambit ni Ganados.

Pero bukod kay Ganados, ilan sa mga tumatatak na kandidata ay si Miss Brazil na isang journalist.

"I am a confident woman and I hope to show this in the show, in the ramp walk, and everything I do," ani Miss Brazil Julia Horta.

Si Miss Mexico naman, isang manunulat.

"I'm writing my own book about women's issues, empowering women in the areas we need to be, we have to always be connected in mind, body, and spirit," sabi ni Miss Mexico Sofía Aragón.

Samantala, si Miss Colombia naman ay isang abogado at atleta.

"I feel I have a true social calling to dedicate myself to philanthropy," ayon kay Miss Colombia Gabriela Tafur Nader.

Si Miss India ay isang endorser at youth leader.

"I have my own non-profit organization that seeks to help with health care, which is such a big need in my country and the whole world," giit ni Miss India Vartika Singh.

Samantala, si Miss Puerto Rico ay nag-aaral ng broadcast journalism sa New York.

"My dream is to be in television, to have a positive impact, to highlight things society neglects," ani Miss Puerto Rico Madison Anderson.

Isa naman sa pinakamarming fans si Miss Thailand na model at summa cum laude graduate ng University of Calgary sa Canada.

"I always tell people, don't give up. It took me so many times that I failed before I won....and now I tell my story," ani Miss Thailand Fahsai Paweensuda Drouin.

Total package ang hinahanap ng Miss Universe Organization para sa susunod na queen.

Live na mapapanood sa ABS-CBN ang coronation ng Miss Universe 2019 sa Disyembre 9, Lunes simula 8 a.m.


—Ulat ni Dyan Castillejo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.