PatrolPH

Catriona 'excited, sentimental' sa pagtatapos ng Miss Universe reign

ABS-CBN News

Posted at Dec 04 2019 04:43 PM | Updated as of Dec 04 2019 07:59 PM

Catriona 'excited, sentimental' sa pagtatapos ng Miss Universe reign 1
Nagpunta si Miss Universe Catriona Gray sa Egleston Hospital for Children sa Atlanta, Georgia para dalawin at pasayahin ang mga batang may sakit. ABS-CBN News

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ni Catriona Gray sa pagtatapos ng kaniyang reign bilang Miss Universe.

Sa panayam ng ABS-CBN News kay Gray sa isang children's hospital sa Atlanta, Georgia sa Amerika, ikinuwento ng 25 anyos na beauty queen na magkahalong pananabik at pagiging sentimental ang nararamdan niya ngayong ilang araw na lang bago niya ipasa ang korona.

"I'm really really excited. Actually, it's so funny when I see the girls in their rehearsals and I interact with them and they're wearing their sash, I'm like, 'Should I also be in my sash?'" ani Gray.

"So, it's a little bit of a funny feeling and it's very sentimental because all of the [Miss Universe Organization] staff... they're all together so it's very reminiscent of last year in December also," dagdag niya.

Catriona 'excited, sentimental' sa pagtatapos ng Miss Universe reign 2
Dinalaw ni Miss Universe Catriona Gray ang isang batang may sakit sa Henrietta Egleston Hospital for Children sa Atlanta, Georgia. ABS-CBN News

Ayon kay Gray, isa sa pinakamakabuluhang papel niya bilang Miss Universe ay ang pagiging inspirasyon sa mga bata.

"Kids are so amazing in that they find the simplest joys in life, they're so pure and I just love being able to be around them," ani Gray.

Kahit wala na raw sa kaniya ang titulong Miss Universe, ipagpapatuloy raw ni Gray ang kaniyang mga advocacy.

Ayon pa kay Gray, gusto rin niyang magkaroon ng career sa music.

Watch more on iWantTFC

"As a singer, performer, I'll definitely be going into artistic endeavors," sabi niya.

Ipinayo rin ni Gray sa mga kasalukuyang kandidata ng pageant na mag-enjoy at huwag masyadong magpadala sa pressure ng kompetisyon.

"I hope that they would be present, that they would stay true to themselves, realize the huge honor that they have carrying their country on stage with them as representatives, and just have an amazing time," aniya.

Idaraos ang Miss Universe 2019 sa Lunes, Disyembre 9, sa Tyler Perry Studios sa Atlanta. -- Ulat ni Dyan Castillejo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.