PANOORIN: Vegetable bibingka ibinida ng chef

ABS-CBN News

Posted at Dec 03 2019 03:08 PM

Tuwing panahon ng Pasko, maraming Pinoy ang nahihilig sa pagkain ng bibingka.

Pero para sa mga naghahanap ng masustansiyang baryante ng nasabing kakanin, isang chef ang lumikha ng bibingkang hinaluan ng iba't ibang klase ng gulay.

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa programang "Rated K," ibinida ni chef Michelle Abalon ang kaniyang vegetable bibingka, na sa halip na isilbi sa dahon ng saging ay inilalagay sa coconut bed na nasa loob ng lata.

Ayon kay Abalon, tradisyon na para sa maraming Pinoy ang pagkain ng bibingka lalo tuwing kapaskuhan.

"Lalo kapag Simbang Gabi, 'pag labas natin talagang hahanapin natin bibingka," aniya.

Halos 3 buwan nag-eksperimento si Abalon sa kusina bago mahanap ang tamang timpla at presentation para sa kaniyang vegetable bibingka in a can.

Spinach, saluyot, at parsley ang ilan sa mga gulay na inihahalo ni Abalon sa mixer para isama sa glutinous rice na magiging bibingka.

Sinasamahan din niya ang mga ito 2 uri ng keso at secret ingredient.

Sa halip din na sa uling iniluluto ang bibingka, oven ang ginagamit ni Abalon.

Hindi naman nawawala sa likha ni Abalon ang nakasanayang toppings ng bibingka gaya ng niyog, keso, at itlog na maalat.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.