DAVAO DEL NORTE—Pinailawan nitong Linggo ang halos 200-talampakang Christmas tree sa Tagum City, Davao del Norte.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Tagum City, ito ang pinakamataas na Christmas tree sa bansa. Ito ay may taas na 193 talampakan.
Pinalibutan ito ng 5,000 Christmas lights, kabilang ang LED lights, 500-meter rope lights at rice bulbs.
Berchan Louie Angchay, ABS-CBN News
Kinabitan din ang Christmas tree ng 23 bituin na nagsisimbolo sa 23 barangay ng lungsod. Simbolo rin ito sa mga nakamit na tagumpay ng Tagum City.
Atraksiyon din ang mga palm tree sa paligid na pinalibutan ng mga Christmas light.
Berchan Louie Angchay, ABS-CBN News
Samantala, pinailawan din nitong Lunes ang 20-talampakang Christmas tree sa loob ng Eastern Mindanao Command ng Philippine Air Force (PAF) sa Davao City.
Gawa ito sa mga drum na pinalibutan ng Christmas lights. Agaw-atensiyon din ang mga parol na gawa sa indigenous materials.
"Ganiyan lang kasi ang Christmas, simple, maging attractive and earth friendly rin kasi ayaw naming nakakasira sa environment," ani Tech Sgt. Edsel Fulguerinas.—Ulat ni Berchan Louie Angchay, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Tagalog news, Regional news, Christmas, Christmas tree, Christmas attraction, Tagum City, Davao del Norte, TV Patrol, Louie Angchay