MAYNILA - Nananalasa na ang bagyong Tisoy sa ilang parte ng bansa, na posibleng makapinsala sa ilang lugar.
Ayon sa survival specialist na si Ted Esguerra sa programang "Sakto" ng DZMM, may ilang dapat tandaan para handa at makaiwas sa sakuna.
PAMILYA
Mainam na munang ihanda ang pamilya lalo na kung may sakuna sa gitna ng trabaho.
"Activate your family plan... Para hindi ka aalis ng opisina kasi... If you and your family are ready, you can ready your workplace. Or else hati utak mo," pahayag niya.
Dapat ding alam kung saan dapat lumikas..
Kung planong makitulog sa bahay ng kaanak, siguraduhing nakatira ito sa ligtas na lugar.
"Kung pupunta ka sa kamag-anak mo dapat hindi sa typhoon part," ani Esguerra.
GO BAG
Dapat ding may "Go bag" ang kada miyembro ng pamilya, kasama na ang mga alagang hayop - na magsisilbing "survival kit" sakaling kailangan nang lumikas.
Narito ang nilalaman ng Go Bag:
- Tool kit
- Ilaw, signalling kit
- Tubig at pagkain
- First-aid kit at gamot
- Pagkain
- Rope o pantali
- Raingear, gaya ng payong
- Hygeine kit
- Ziplock
Dapat siguraduhing "ready-to-eat" o madaling kainin ang mga dadalhing pagkain. Siguraduhin ding "mahahaba" ang mga dadalhing damit at dry-fit ito.
Paliwanag ni Esguerra: "Kasi 'pag nasugatan pwedeng punitin yung sleeve puwedeng gawing bandage."
Kung maaari, ayon kay Esguerra, magdala ng "alkaline-based" na sabon sakaling may mapaso.
SUPLAY, BAHAY
Dapat ding may mga naka-imbak na pagkain sa bahay. Pero paalala ni Esguerra, maaari naman daw unti-untiin ang pagbili nito.
Dapat ding handa ang suplay ng baterya, at mga numerong dapat kontakin.
Kung maaari, ayon kay Esguerra, dapat isulat sa papel ang mga importanteng contact number.
Paalala rin ni Esguerrra na dapat ding ihanda ang bahay kontra sa mga debris na maaaring bumagsak dito.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, DZMM, Sakto, Tisoy, storm, storm preparations, Go Bag, Ted Esguerra, house tips, family, pamilya, storm, Tisoy, Kammuri, emergency bag