Babaeng 40 taong nawalay sa pamilya, muling nakauwi

ABS-CBN News

Posted at Dec 03 2017 11:06 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Apatnapung taon nang hinahanap ni Amy Abellada ang kanyang pamilya.

Tubong Quezon, si Amy ay 13 taong gulang pa lamang unang lumuwas sa Maynila para mamasukan bilang kasambahay.

Hindi nagtagal, napunta sa iba't ibang probinsiya si Amy kasama ng kanyang amo.

Dahil dito, nawalan na siya ng koneksiyon sa kanyang pamilya.

Umabot ng 40 taon bago muling nakita ni Amy ang kanyang ina at mga kapatid.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.