MAYNILA - Labis ang tuwa ng mga residente ng Pasay City nang pailawan na ang dambuhalang Christmas tree sa harapan ng city hall.
May taas itong 25 talampakan at may mga disenyong regalo, dahon at bulaklak.
Mayroon ding life-sized belen at puno rin ng ilaw ang gusali.
Ayon kay Mayor Emi Calixto-Rubiano, ito ay upang maramdaman pa rin ang Pasko sa kabila ng mga hamon ng taong 2020.
Inanyayahan din ng alkalde ang publiko na magtungo sa Pasay night market sa Roxas Boulevard Service Road bilang alternatibo sa Divisoria.
Kumpleto ang mga paninda at mura rin ang mga mabibili sa night market.
Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan na nasusunod ang ipinatutupad na health and safety protocols sa tiangge. Kabilang dito ang paglalagay ng hiwalay na entrance at exit, pagkuha ng temperature ng mga mamimili at pagpapanatili ng physical distancing.
Bukas ang Pasay night market mula alas-5 ng hapon hanggang hatinggabi.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Pasay City, Mayor Emi Calixto-Rubiano, Pasay City Hall, giant Christmas tree Pasay, Tagalog news